Kontrobersyal na na umuugong ang pangalan ni Senator Chiz Escudero sa Showbiz dahil sa napipintong paghadlang ng mga magulang ni Heart Evangelista sa kanilang relasyon. Sa kabila nito, matibay pa rin ang paninindigan ni Heart sa relasyon nila ni Chiz at ipinarating nya sa kaniyang magulang na hayaan na lamang sya ang magdesisyon nito.
Bakit nga ba marami ang tutol sa pag-iibigan ng dalawa? Ano nga ba ang nangyari kung bakit napahiwalay si Chiz sa kaniyang pamilya at sa kanyang kambal na anak?
Ito ang malapit na dahilan kung bakit sa karamihan ay tutol sa nagmumurang kamias na si Sen. Chiz. Paano nga ba sya magiging mabuting ehemplo sa pagpapatupad ng batas kung sarili nyang pamilya, 'di na napangalagaan? Kung pulitika, dapat yun na lang ang asikasuhin nya. Kaso, isinasabay pa nya 'yung lovelife nya at talaga namang napaka-alangan nila sa isa't-isa. Si Heart na marami na ring napag-daanang kasintahan, ito ngayon ang tanong ng marami. Bakit walang magtagal kay Heart? Sino ba ang may diperensya, sya o ang kanyang mga naging boyfriend? Gayunpaman, dpat ay ilagay nila sa lugar ang relasyon nila, hindi yung nagpapa-ugong sila ng ingay para matuon ang atensyon sa kanila ng masa.
Dapt ay isina-pribado na lang nila ito. Lumalamabas lang na ginagawa nila itong additional points para mapansin sila ng Showbiz at Political Industry.
Kaya sa darating na botohan, 'di porke idol nyo si Heart ay magpapadala na rin tayo sa ikinakampanya nyang boyfriend na si Chiz. Alamin natin ang plataporma kung puro daldal lang ba o may nagawa talaga para sa bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento